Unang Tapak


       Unang Tapak 


          Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko noon. Tila ako’y ignorante noon.
          Nakakamangha ang kagandahan nito at Kalakihan nito na tila mapapa”wow” ka noong unang tapak ko sa eroplano.         

       Pagpasok ko sa eroplano, sumalubong ang mga nagsasayahang at nagkakagandahang mga flight attendant. Na bumabati ng “Magandang umaga”. Patalon-talon ako sa pagpasok noon. Na parang gusto ko ng lumipad yung eroplano. Pinaupo na kami noon dahil malapit na daw lumipad yung eroplano. Litrato doon, litrato dito. Nasa gilid ako ng daan noon kaya umiiyak-iyak pa nga ako noon dahil gusto ko sa tabi ng bintana at sinabi ko sa nanay kaya yun pinayagan rin ako. Napakaganda doon sa itaas, na tila gusto kong lumabas at makipaglaro sa mga ulap na parang bulak sa kinis. Hindi ako noon tumigil sa pagpapasalamat kay Hesus sa binigay niyang karanasan sa aking buhay. Hanggang sa naka baba na kami sa eroplano, parang nasa eroplano parin ako. Noong bumaba na kami pumunta na kami sa papatunguhan namin.


          
          Ang unang tapak ko sa eroplano ay hindi ko maigpapalit na karanasan sa aking buhay sapagkat hindi lahat ng tao, nararanasang sumakay dito.  









Mga Komento